Kandidato late sa pagtulong | Bandera

Kandidato late sa pagtulong

Leifbilly Begas |February 06,2019
facebook
share this

Kandidato late sa pagtulong

Leifbilly Begas - February 06, 2019 - 12:10 AM

SABI ng mga magulang ko, mas mabuti ng bagyuhin kesa masunugan.

Kapag nasunugan, ubos lahat.

Kung hindi man masira ng apoy ang iyong mga gamit ay masisira ito sa tubig ng bumbero.

Kung bumagyo kahit pa bumaha, malimit naiiwan ang bahay at pwedeng patuyuin ang mga gamit.

Kaya naman marami ang nagmamalasakit sa mga nasusunugan.
Katulad nitong isang kandidato sa mataas na puwesto.

Nagpasabi siya na pupunta sa mga residente na nasunugan sa isang lungsod sa Metro Manila.

Maganda na ang kanyang hangarin na magdala ng tulong bagamat kinukuwestyon ito dahil pera naman umano ng bayan ang dala niya at hindi galing sa kanyang bulsa.

Kaya lang sana ay hindi naman siya nagpa-late ng 12 oras. Malala pa siya sa presidente kung mag-feeling VIP.

Matapos ang apat na sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, nagpatupad ng bawas-presyo ang mga kompanya ng langis.

Pero hindi pa rin happy ang mga driver ng pampasaherong jeepney. Mataas pa rin daw ang presyo ng diesel kaya kailangan pa ring itaas ang pasahe.

Mukhang malabo naman itong mangyari dahil mukhang hindi sila pinakikinggan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Hirit naman ng isang driver, nasaan na ba ang nabalitaan niyang automatic fare adjustment?

Kung automatic na ang adjustment hindi na raw nila kailangan pang umasa pa na pakikinggan ang kanilang hinaing.

Taas kung aabot sa partikular na presyo ang diesel at baba rin kaagad kung bababa ang presyo ng krudo.

May pangamba rin si mamang driver. Paano na daw kapag pinayagan nang bumiyahe ang mga motorcycle taxi?
Alam kasi niya na marami ang tatangkilik sa motorsiklo dahil mas mabilis ang biyahe. Pwedeng sumingit-singit.

Wala naman daw magagawa sa trapik ang mga pampasaherong jeepney. Hindi rin sila puwedeng pumasok sa kung saan-saang kalsada gaya ng Grab kaya malamang ay mabawasan nanaman ang mga pasaherong sumasakay sa kanila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Buti daw sana kung palaging uulan, tiyak na may mga pasahero na hindi sasakay ng motorsiklo sa takot na mabasa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending