Cristine ipinagmalaki ang edad na 30; fresh pa rin kahit problemado sa lovelife

SEXY at 30 si Cristine Reyes! Very proud niyang ipinost sa kanyang Twitter account kahapon ang birthday photo kung saan nga ipinagmalaki niya ang edad.

“If by thirty you mean ‘more awesome’ then YAS I AM 30,” tweet ni Cristine.

Sa totoo lang, mukha pa ring fresh si Cristine at wala kang makikitang signs sa kanyang itsura na meron siyang pinagdaraanan sa personal life.

Hindi pa rin nagsasalita ang aktres tungkol sa balitang hiwalay na sila ng asawang si Ali Khatibi, huh!

Matagal nang natsitsismis na hindi na magkasama sa bahay ang dalawa pero civil lang sila sa isa’t isa para na rin sa kanilang anak.

Read more...