Male star sira ang trabaho kapag problemado sa lovelife

PROPESYONAL kung sa propesyonal ang isang kilalang male personality. Walang kahit sinong makapagrereklamo kapag nagsimula na siyang magtrabaho.

Guwapo na kasi ang aktor ay magaling pang umarte, marunong makisama sa kanyang mga kasamahang artista, parehas siyang tumingin sa kahit sinong nakakasama niya sa set.

Pero meron din pala siyang kahinaan, nawawala siya sa riles kapag nagkakaroon siya ng problema sa puso, ‘yun ang unang-unang kaaway ng propesyonal na male personality.

Kuwento ng aming source, “Kapag heartbreak na ang pinoproblema niya, e, nawiwindang ang career niya. Matindi siya, emotional talaga, hindi siya makapag-concentrate sa work kapag may pinoproblema siya sa lovelife niya.

“Halatado ng mga kapwa niya artista kapag nagkakaroon sila ng problema ng girlfriend niya. Hindi siya mapakali, nasisira ang pagiging professional niya, ‘yun lang ang katapat niya,” sabi ng aming chikadorang impormante.

Kapag nagkakaproblema siya sa kanyang karelasyon ay hindi siya palakibo, palagi lang siyang nag-iisa sa kanyang dressing room, mahina siya pagdating sa personal na problema.

“Yun lang ang kaisa-isang problemang nararanasan ng production, kapag lovelife na niya ang bumabagabag sa male personality, e, siguradong magkaka-delay sa set.

“Palagi siyang take one lang, pero kapag may personal problem siya, e, mahinang-mahina ang take three, ganu’n siya kaapektado, ganu’n siya ka-bothered, ganu’n siya hindi makapagtrabaho basta lovelife na ang dinadala niya.

“Malalim kasi siyang magmahal, nakasentro ang buhay niya sa girl, bine-baby niya ang girlfriend niya. Kaya kapag nagkakaroon sila ng problema, e, parang nawawala na rin sa sarili niya si ____ (pangalan ng male personality).

“Pero kapag wala siyang bitbit na personal problem sa set, e, para siyang kitikiti sa kakulitan, masarap siyang katrabaho, masarap kasi siyang kaibigan dahil wala siyang kayabang-yabang sa katawan kahit pa sikat siya.

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, napakadaling hulaan kung sino ang guwapong aktor na itey, kunektado sa name niya ang trabaho ng isang taong sumisigaw ng action at cut!” pagtatapos ng aming source.

Read more...