Kris Aquino babaeng Willie Revillame; parang pusa na may 9 na buhay

KRIS AQUINO AT WILLIE REVILLAME

SA isang umpukan ng mga taga-showbiz ay pinagkumpara ng grupo sina Willie Revillame at Kris Aquino.

Meron kasi silang malaking pagkakapareho.

Parehong kontrobersiyal ang kanilang buhay, kung anu-ano nang paghamon sa buhay at career ang kanilang pinagdaanan, pero hanggang ngayon ay nakatayo pa rin sila at lumalaban.

Sabi nga ni prop, “Parang may siyam na buhay rin si Kris, di ba? Siya ang babaeng Willie Revillame.

Manghihina lang siya sandali, pero bukas-makalawa, e, buhay na buhay na naman siya at nakikipaglaban!”

Maligalig ang buhay ni Kris nitong mga nakaraang buwan, araw-araw siyang kinakalampag ng kanyang mga kalaban, kung nakamamatay ang masasakit na salitang lumalatay ay matagal nang pinagbuburulan ang aktres-TV host.

Isang source sa umpukan ang nagkomento, “’Yun ang advantage ng taong madasalin. Si Kris kasi, palaging dasal ang panlaban niya sa lahat ng challenges na dumarating sa buhay niya.

“In fairness, talagang binibigyan niya ng panahon ang pagsisimba, matulungin din siya sa mga nangangailangan, kaya nga sila nagkakasundo ni Willie!” sabi nito.

Masakitin ang naging dating ni Kris Aquino nitong mga huling panahon, pero may paninindigan siya, kinakaya niyang harapin ang lahat ng mga pagsubok dahil ganu’n ang pagpapalaki sa kanya.

Huwag susuko sa kahit anong laban, lalo na kung siya ang nasa tama, pero kailangang bukas ang puso at bibig niya sa panghihingi ng paumanhin kapag siya ang mali.

Read more...