Liza kay Julia: You need to stop! Bago kami atakihin sa puso!


“YOU need to stop!” Yan ang utos ni Liza Soberano kay Julia Barretto na sunud-sunod ang pagpo-post ng mga litrato at video na kuha sa recent vacation niya.

Hindi lang si Liza ang inggit na inggit sa pagbabakasyon ni Julia kundi pati na ang iba pa niyang kaibigang celebrities kabilang na si Janella Salvador.

Hindi binaggit ni Julia kung saang lugar siya nagpunta pero base sa mga litratong ipinost niya sa Instagram, talaga namang mapapanganga ka na lang sa sobrang ganda ng mga binisita niyang lugar.

Sabi ni Liza sa kanya, “You need to STOP. Before we all have heart attacks. You’re just so beautiful.”

Ang hirit naman sa kanya ni Julia, “Excuse me miss, do you realize how much heart attacks you’ve already given us with your beautiful face because I lost count of mine.”

Sumingit naman si Janella sa usapan ng dalawa at nag-dialogue ng, “All the heart attacks in this country are being caused by both of you so you both better stop.”

“Do you realize that every single time Liza and I have to perform with you with your perfect face and your perfect voice we get a heart attack you stop,” ang sagot naman ni Julia kay Janella.

Read more...