Bossing sa 40 years ng Bulaga: Feeling ko parang nagsisimula pa lang kami!


“FEELING ko parang nag-uumpisa pa lang kami!” Ito ang inamin ni Vic Sotto matapos mag-renew ng kontrata ang TAPE sa GMA 7 para sa longest running noontime show sa Asia, ang Eat Bulaga.

Isang star-studded contract signing ang naganap kamakailan dahil halos lahat ng EB Dabarkads ay present sa isa na namang “historic milestone” sa mundo ng telebisyon.

Bukod kay GMA Chairman and CEO Atty. Felipe Gozon, present din sa pirmahan ng kontrata sina Executive Vice President and Chief Financial Officer Felipe Yalong, GMA First Vice President of Program Management na si Joey Abacan, TAPE President and CEO Antonio Tuviera at Senior Vice President and Chief Operating Officer Malou Choa-Fagar.

“To be exact 24 years na sa atin ang Eat Bulaga, apatnapu’t taon na sa TV. So, mahigit na one half, I think that should say it all na ang samahan natin sa Eat Bulaga ay talagang mutually beneficial,” ayon kay Atty. Gozon sa panayam ng GMA.

Dagdag pa nito, “And we are very comfortable with them at ako ay talagang hangang-hanga dito sa grupo ng Eat Bulaga na walang kupas talaga kaya matagal pa yan. Ang tandem nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon tsaka ‘yung mga susunod palagay ko mahaba pa yan.”

Ayon naman kay Mr. T (tawag kay Tony Tuviera), “Pang 24 years na namin ngayon sa GMA 7 nagpapasalamat kami kasi ang GMA 7 ang nagbigay sa amin ng daan at hindi lang ‘yun ang ibinigay sa amin, binigyan pa kami ng pagkakataon na i-celebrate ‘yung 40th year anniversary namin kaya nagpapasalamat kami sa GMA.”

Pag-amin naman ni Bossing, “Feeling ko parang nag-uumpisa pa lang kami. Itong araw na ‘to ‘yun ‘yung feeling ko na parang excited, looking forward to more and more years. And of course, looking forward to the 40th anniversary ng Eat Bulaga.”

Hirit naman ni Joey, “Totoo ‘yung sinabi ni Vic nag-uumpisa pa lang kami dahil ang feeling namin bumabalik na kami sa pagkabata [laughs] medyo tagilid na ang labanan. ‘Uy thank you GMA 7 at sa lahat ng mga Kapuso at tayo ay magkakasama-sama pa.”

Para naman kay Tito Sen, “Talagang lumabas na ‘yung sikreto na matagal ko nang sinasabi na ang Eat Bulaga is really a public service program masquerading as an entertainment show,” sabi pa ng senador.

Bukod sa TVJ, dumalo rin sa contract signing sina Alden Richards, Maine Mendoza, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Allan K, Pauleen Luna, Ryan Agoncillo, Anjo Yllana, Ruby Rodriguez, Pia Guanio, Jimmy Santos, Maureen Wroblewitz, Laune Dy, Ryzza Mae Dizon at Baeby Baste.

q q q

Samantala, kamakailan ay nagdiwang naman ng kanilang third wedding anniversary sina Bossing Vic at Pauleen Luna. Ayon kay Vic, iba ang feeling niya ngayong taon dahil kasama na na sa celebration ang kanilang “little, big baby” na si Tali.

Sa panayam kay Vic ng GMA, sinabi nitong may ilan ding pagbabago sa relasyon nila ni Pauleen after three years of marriage.

“Meron na kaming baby, ‘yun ang mas lalong nagpasaya sa aming relationship. ‘Yung anniversary namin, it’s more meaningful that meron kaming little, big baby,” sey ng TV host-comedian. Nag-dinner lang daw sila ni Poleng nu’ng anniversary nila.

Dagdag pa ni Bossing, looking forward siya lagi na makauwi sa bahay para kantahan at ipaghele si Baby Tali, “Hindi kumpleto araw nu’n kapag hindi mo kinantahan. Very focused siya sa mga songs, eh.”

Read more...