Ex-boldstar yumaman nang bongga, 2 anak naka-graduate na


NASA bansa ngayon ang mga mahal naming anak-anakan mula sa Winnipeg, Manitoba, Canada. Kapag nandu’n kami ay sila ang mga Pinoy na lumiliban sa kanilang mga trabaho para kami ipasyal sa kung saan-saang lugar.

Kumpleto ngayon ang tropa, sabay-sabay na nagbakasyon sina Rey-Ar Reyes, Neil Soliven at Issi Bartolome. Kami naman ang host nila ngayon, kung saan-saan din kami nakararating, hindi sila papayag na bumalik ng Winnipeg nang hindi nakararating sa aming nayon.

Gustung-gusto nila sa bukid, mapagmahal sila sa kalikasan, kaya mula Biyernes hanggang Linggo ay nasa Visoria kami. Napakaginaw ngayon sa aming nayon, pero hindi ‘yun pinapansin ng tropa, -40 kasi sa Winnipeg nang umuwi sila dito.

Kaarawan ni Demo, ang aming special child, kaya bukod sa tropa mula sa Canada ay dumating din sa aming nayon ang pamilya ni Katrina Paula na may napakaespesyal na marka sa aming pamilya.

Mahal na mahal ni Katrina at ng kanyang mga anak na sina Nikki, Athens, Syoti at Mimon si Demo.

Mahal na mahal din sila ng aming anak na walang bukambibig kundi ang pangalan ni Katrina Paula.

Ang panganay ni Katrina na si Nikki ay isa nang piloto ngayon, si Athens naman ay nagtatrabaho na sa isang pahayagan, sina Syoti at Mimon na lang ang nag-aaral pa.

Saludo kami sa dating boldstar dahil hindi niya pinabayaan ang kanyang mga anak sa kabila ng pagiging single mom niya, edukasyon ang pinakamahalaga para sa kanya dahil du’n siya kapos, kung ano ang kursong gusto ng kanyang mga anak ay nakasuporta lang si Katrina.

At may naipatayo na rin siyang building na malapit lang sa Muñoz Market. Pinauupahan na niya ang mga kuwarto sa ikalawa at ikatlong floors, may kausap naman siyang uupa sa first at second floor para gawing opisina, kundi man call center.

Mahal na mahal ng aming pamilya ang mag-iina, ibinabalik lang namin sa kanila ang pagmamahal na walang sawa nilang ibinibigay kay Demo, ang aming special child.

Read more...