MARAMING nakakapansin na mapanghinayang ang isang kilalang female personality sa mga pagkain sa set kapag nagte-taping siya. Iniuuwi niya ang mga tira niyang food.
Pinupuri siya ng kanyang mga kasamahan sa kanyang katwiran na napakaraming nagugutom na kababayan natin, kaya bakit kailangang mag-aksaya, kailangang iniingatan ang pagkain.
Kuwento ng aming source, “Pero may gimik siya, ha? Pinadadagdagan niya ang food niya kapag nagtatrabaho siya. Hindi lang good for one ang ipinadadala niya sa utility, mas marami.
“Pagkatapos niyang kumain, meron siyang dala-dalang plastic bin, du’n niya inilalagay ang mga food na hindi niya sadyang ginalaw. Talagang may dala-dala na siyang container para sa mga natitira niyang food,” kuwento ng chikadora naming impormante.
Kaya pala siya ganu’n ay dahil wala siyang kasambahay. Wala siyang driver, wala siyang PA, mag-isa lang siya sa housing authority niya.
Balik-kuwento ng aming source, “Hindi lang siya sa food mapanghinayang, ganu’n din sa pangsuweldo sa mga kasambahay. Ayaw niya na ring magpa-drive, siya mismo ang nagda-drive sa sarili niya kahit sa malalayong place.
“Kasi nga, nanghihinayang siya sa ipangsusuweldo sa dribam, sa kasambahay, sa PA, ipaghahanapbuhay pa raw niya ang mga ‘yun. Kaya ang ending, siya lang mag-isa ang dumarating sa location.
“Para siyang trabahador sa airport habang ibinababa ang mga kagamitan niya sa car kapag dumarating siya, ano ang laban sa kanya ng porter? Talagang siya lang ang nagbubuhat ng mga kagamitan niya.
“Meron namang mga tumutulong sa kanya, nagtataka ang mga taong ‘yun kung bakit wala siyang alalay, e, malakas naman siyang kumita?
“So, alam na! ‘Yung food na itinatabi niya kapag nasa set siya, e, food niya naman kapag nasa bahay na siya. Mapanghinayang siya, grabe, lahat na lang yata, e, pinanghihinayangan niya!
“Isang araw, e, nag-aalala ang mga nakamasid na baka sa katitipid at panghihinayang niya, e, makita na lang siyang nakabulagta sa tabi ng imburnal! Oo nga naman!” pagtatapos ng aming source.
Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, siguradong wala na kayong upuan ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan.