NAKIRAMAY na si Janine Gutierrez sa kanyang boyfriend na si Rayver Cruz at sa pamilya nito sa pagpanaw ng nanay ng aktor nitong nakaraang weekend.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Rayver at ang kanyang dalawang kapatid na wala na ang kanilang inang si Gng. Beth Cruz na sumakabilang-buhay last Saturday dahil sa pancreatic cancer.
Sa Instagram Story, ramdam na ramdam ng kanyang followers ang sobrang pagka-miss niya sa ina.
Samantala, nagpaabot na rin ng pakikiramay sa pamamagitan ng IG si Kris Bernal, ang leading lady ni Rayver sa GMA afternoon series na Asawa Ko, Karibal Ko. Sinabi nitong ipinagdarasal niya ang pamilya nina Rayver at Rodjun Cruz.
Sey ni Kris sa kanyang IG post, “We’re here for you @rayvercruz and @rodjuncruz. My thoughts, prayers and well-wished during this dark time in your lives. Stay stroooong! Keep fighting!”
Samantala, pati ang mga tagasubaybay ng Asawa Ko, Karibal Ko ay nakiramay din kay Rayver na pinipilit magpakatatag ngayon. Nangako silang ipagdarasal nila ang ina ng binata.