1st LGBT wedding sa PBB house waging-wagi


NAGING matagumpay ang unang LGBT wedding sa loob ng Bahay ni Kuya sa pagitan ng transwoman housemate na si Mitch at partner nitong si Dudz na napanood last weekend sa PBB Otso.

Pinagtulungan ng mga housemate at star dreamer na mabuo ang dream wedding ni Mitch Talao, ang Trans Mama ng Lucena, at ng lesbian partner niyang si Dudz Ibañez. Pinagtagumpayan nila ang card cake challenge para makuha ang premium wedding package at ang human vase challenge para makuha ni Mitch ang pinapangarap na wedding gown na gawa ng batikang designer na si Renee Salud.

Ang mga star dreamer naman ay pinakita ang kanilang mga talento para mas mapaganda ang kasalang Mitch at Dudz.

Pinuri ni Kuya ang bagong kasal sa kanilang mga pinagdaanan. Ani Big Brother, “You have proven that love knows no gender or preference. Ikinararangal kayo ng LGBT community, at ikinararangal ko rin kayo.” Hangad ni Kuya ang isang “pagsasamang masaya, mapayapa at puno ng pagmamahalan” para kina Mitch at Dudz.

Si Tori ang naging host ng kasal nina Mitch at Dudz, isang importanteng kaganapan sa kasaysayan ng Pinoy Big Brother bilang unang kasalang LGBT sa show.

Sa sumunod na araw naman, naganap ang unang eviction night para sa pangalawang batch ng PBB Otso, kung saan pumasok sa loob ng bahay ni Kuya ang Bombshell Sweetie ng Singapore na si Tori bilang kanyang bagong housemate, matapos bumalik si Abi, ang Kolehiyala Cutie ng Isabela, sa outside world.

Panoorin ang PBB Otso, gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN, pagkatapos ng Halik, tuwing Sabado pagkatapos ng Home Sweetie Home, at tuwing Linggo pagkatapos ng Wansapanataym.

Mapapanood din ang PBB Otso Gold sa Kapamilya Gold pagkatapos ng Los Bastardos.

Read more...