Kasong isinampa ng Ombudsman bumaba

BUMABA ng 71 porsyento ang bilang ng mga inihaing kaso ng Ombudsman noong 2018.

Mula sa 2,513 kaso noong 2017, bumaba ito sa 739 kaso noong nakaraang taon.

Umupo si Ombudsman Samuel Martires noong Hulyo 26, 2018 kapalit ni Ombudsman Conchita Carpio Morales.

Mula Agosto-Disyembre 2018, 178 kaso ang naisampa ng Ombudsman, mas mababa sa 978 kaso na naisampa mula Agosto-Disyembre 2017.

Sa panahon ni Martires, pinakamarami ang naihang kaso kaugnay ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act (341), sumunod ang malversation (144) at falsification (115).

Sa Sandiganbayan, bumaba naman ang bilang ng mga nadesisyunang kaso ng 15 porsyento o mula 1,264 noong 2017 ay naging 1,075 kaso noong nakaraang taon.

Kabilang sa pinakamalaking kaso na nadesisyunan ang kaso ni dating First Lady at ngayon ay Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos na nahatulan ng guilty at ang pagkakabasura ng kaso ni dating Sen. Ramon Bong Revilla Jr.

Read more...