Thea vs Kris: Bukingan na sa ‘Asawa Ko, Karibal Ko’


SAMANTALA, bumilib naman kay Rayver ang mga katrabaho niya sa Kapuso afternoon series na Asawa Ko, Karibal Ko. Sa kabila kasi ng mga pinagdaraanan niya sa buhay ay nananatili pa rin siyang matatag.

Hindi naman lingid sa ilan niyang kasamahan sa trabaho ang nangyari sa kanyang nanay pero hindi ito nagpakita ng kahinaan habang nagtatrabaho. Walang naging problema sa kanya ang produksyon kahit na problemado nga sa personal na aspeto ng buhay.

Maganda ang record ni Rayver sa Asawa Ko, Karibal Ko na gumaganap bilang si Gavin, ang lalaking pinag-aagawan nina Kris Bernal at Thea Tolentino as Rachel and Venus. Puring-puri rin ng mga viewers at netizens ang aktor dahil sa husay ng pagganap niya sa programa.

Sa tumatakbong kuwento ngayon, mukhang malapit nang mabuking ni Gavin ang tunay na pagkatao ni Venus at kung sino talaga ang may kagagawan sa pagkamatay ng inang si Sarah (Alma Moreno). Kapag nakuha na ni Rachel ang cellphone kung saan naka-save ang ebidensya, katapusan na ng kontrabidang transwoman.

Napapanood pa rin ang Asawa Ko, Karibal Ko sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Eat Bulaga.

Read more...