Trabaho ni Pia sa World Of Dance pinadali ni Luis: Madaldal din ako


FOR co-hosting World of Dance Philippines with Luis Manzano, Miss Universe Pia Wurtzbach need not do a major adjustment.

“Buti na lang matagal na kaming magkakilala ni Luis so magkaibigan na talaga kami. Mas madali na ‘yung banter namin sa isa’t isa. I guess the challenge for me is I kinda just went for it. Pagpasok ko sa studio, there were cameras everywhere and they were rolling every time.

“Kahit paano reality TV ito and they can’t turn off the cameras kasi baka may moment na ma-miss. So the cameras are always rolling and the contestants were everywhere in the room so lahat sila kailangan makausap mo, makilala mo, makunan mo ‘yung story nila nang totoo, nang genuine, nang ikaw. So there’s no action, walang cut, tuluy-tuloy,” say niya during the set visit sa show.

Hindi rin naging mahirap sa kanya ang mag-host dahil aminado naman siyang madaldal siya.

“Para sa akin I find it easy to talk to people. Madaldal naman ako so I really like conversing with people. Buti na lang marunong ako mag-Tagalog so nakatulong talaga siya,” she added.

Doing the show, nakita ni Pia ang kanyang sarili sa mga contestants.

“Nakaka-relate ako sa kanila kasi ganoon din naman ako dati. Sumali ako (sa competition) dati. Natalo din ako nang ilang beses, so nakaka-relate ako sa kanila. Hindi man ako dancer ay alam ko ang feeling ng may pangarap.”

As for Catriona Gray’s Miss Universe win and Karen Gallman’s recent feat after being crowned Miss Intercontinental 2018, super happy si Pia.

“Ay naku, sobrang tuwang-tuwa naman ako na may nanalo na naman from the Philippines. I mean, I’ve said it before, I wish her all the best and I wish more for her na talagang maramdaman niya ang pagmamahal ng mga Pilipino pag-uwi niya dito kapag nag-homecoming na siya.

“At hindi lang dito pati na rin ng buong mundo kasi Miss Universe ito, it’s all around the world.

“Ang ganda ng batch na ito because they somehow produce winners. Ang galing,” sabi pa ni Pia.
When asked about the Miss U franchise na sinasabing iba na ang nagmamay-ari, Pia can’t say with finality if it is true.

“Nababalitaan ko rin ‘yun but unfortunately I am not aware as to where it’s up right now. Nandito na ako sa showbiz, nandito na ako sa pag-aartista, hindi ako masyadong updated. We just have to wait and see.”

Read more...