Angelica 11 months na lang akong maghahanap ng asawa!


“MIXED nuts” na naman ang peg ng mga reaksyon ng netizens sa bagong hugot ni Angelica Panganiban patungkol sa kanyang personal na buhay.

Sa kabila ng pangnenega sa kanya ng ilang bashers sa social media dahil sa mga paandar niya about her lovelife nitong mga nakaraang linggo, muli na namang ginulat ng Kapamilya actress ang kanyang followers and haters.

Sa kanyang Twitter account, tila may pa-countdown ang dalaga sa paghahanap ng mapapangasawa.

Tweet ni Angelica, “February naaa!! 11 months na lang akong maghahanap ng asawa!!!” Ito ang ikalawang pagkakataon na naging very open ang aktres sa kanyang kagustuhan na maikasal na para bumuo na ng sariling pamilya.

Bukod dito, may sinabi rin si Angelica na parang type na rin niyang bumili ng crib ng baby, meaning, bukod sa asawa, gusto na ring maging ina ng dalaga.

Nitong nagdaang linggo, naging maingay ang pag-amin ni Angelica na brokenhearted na naman siya, at kahit hindi niya tinukoy kung sino ang lalaking nanakit sa kanya, ang itinuturo ng mga netizens ay si Carlo Aquino.

Nauna rito, ibinandera niya sa social media na lalayuan na raw niya si Carlo para sa ikatatahimik ng mga taong kontra sa kanilang “relasyon”.

Pero nitong mga nakaraang araw lang, naglabas ng video si Carlo sa kanyang Instagram Story kung saan magkasama na naman sila ni Angelica at nagkayayaan pang mag-date. Kaya ang banat sa kanila ng ilang bashers, niloloko at pinasasakay na lang nila ang madlang pipol.

Read more...