‘Glorious’ nina Angel at Tony may part 2 na, pero…

ANGEL AQUINO AT TONY LABRUSCA

SA presscon ng pelikulang “Jesusa” ay isa si Direk Connie Macatuno sa dumalo bilang suporta kay Sylvia Sanchez na naging artista niya sa pelikulang “Mama’s Girl” ng Regal Entertainment na naging kaibigan na rin niya.

Kinulit namin si direk Connie kung may sequel ang pelikula niyang “Glorious” na pinagbidahan nina Angel Aquino at Tony Labrusca.

Sa totoo lang panay ang iwas sa amin ng direktora pero nu’ng banggitin naming may nagkumpirma sa amin na may part two na talaga ay saka lang niya kami kinausap.

Ang paliwanag ni direk, “Hindi ko pa nasusulat ang script, tinitimbang-timbang ko pa kung sequel o ibang istorya na.”

Hirit namin, posibleng magkaroon ng sequel dahil sa ending ng pelikula ay nagkaroon na ng anak ang mga karakter nina Angel at Tony, “Well, puwede rin namang hindi na magkatuluyan, puwedeng ibang istorya na ang mangyari sa kanila,” katwiran niya.

Samantala, since may working permit na si Tony at wala na siyang problema sa Bureau of Immigration ay malaya na siyang nakakapag-taping para sa seryeng Mea Culpa mula sa Dreamscape Entertainment.

Read more...