Ni Dominic Rea
SI JULIA Barretto ngayon ang itinuturing na spokesperson ng mga kababaihang hindi masyadong biniyayaan ng malulusog na dibdib.
Naging usap-usapan sa social media at sa mundo ng showbiz ang pagpapakatotoo ng Kapamilya young actress tungkol sa sukat ng kanyang boobs. Aminado ang dalaga na hindi siya nabigyan ng malaking hinaharap kaya naman hindi na siya nagsusuot ng bra.
Hindi raw siya komportable na gumamit ng bra dahil “wala naman kasi siyang kakapitan,” ang pahayag ni Julia.
Mas lalo pang humanga ang mga netizens sa girlfriend ni Joshua Garcia nang mag-post siya ng litrato sa Twitter kung saan makikita ang tila pamamakyaw niya ng nipple tape sa isang fashion store.
Ayon sa kanyang mga followers, nakaka-relate rin sila kay Julia dahil ipinanganak at lumaki silang mga flat-chested.
Sa isang panayam, sinabi ng dalaga na natutuwa siya sa magagandang feedback at komento na natanggap niya dahil sa kanyang pagpapakatotoo.
“I’m just glad that a lot of people can relate it.
“Dapat may magtaas ng bandera and I guess I’m the one who did that for the flat-chested community,” pahayag ni Julia.
MOST READ
LATEST STORIES