Pinahinto sa trabaho | Bandera

Pinahinto sa trabaho

Liza Soriano |February 01,2019
facebook
share this

Pinahinto sa trabaho

Liza Soriano - February 01, 2019 - 12:10 AM

HI po. Good day po. Tanong ko lang po if tama po ba ‘yung ginawa po sa akin na bigla po nila ako pinahinto sa work ko dahil hindi po kasi pinasa ang requirement nila.

Nakiusap po ako sa kanila na pwedeng ngayong buwan na lang po nila ako ilipat dahil alanganin ‘yung month dahil po December po at mag pa-requirements ulit.

Hindi po sila pumayag dahil kahit pumasok daw po ako hindi raw po bayad ‘yung ipapasok ko.

Dahil doon ay pinahinto na po nila ako. No choice po ako na hindi na pumasok at magpa-requirments.

Pero noong tiningnan ko po mga list of requirments, kumpleto naman na po pala. Nang nag-ask po ako sa kanila kung pwedeng magpasa ng requirement nong December 27, 2018 at nag-reply po sila na sarado ang HR at tuwing Thursday lang daw po ako pwedeng magpasa ng requirments.
Sinabi rin nila na January na lang po ako magpasa.
Nang pumasok na po ang month ng January ay na expire na po requirments kaya kumuha po uli ako ng requirements.
Nakapag-start na po ako makapag-work last January 17, pero wala pang isang buwan ay pinahinto po nila ako.
Tinanong ko sila kung may makukuha ako sa mga holidays na ipinasok ko at ang sinabi nila ay wala raw.
Tama po ba ang ginawa nila?
Gusto ko lang malaman kung ano ang pwede kong gawin at ano po ang karapatan ko?
Maraming salamat po.

For immediate response, please call DOLE Hotline 1349.
Mayroon po kaming mga Hotline Service Action Officers na handang tumulong sa inyo, Monday to Sunday, bawat oras, bawat araw.
Tawag sa Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending