Babalik pa ba ng Pinas si Julia Montes?

By Reggee Bonoan February 01,2019
share this

Babalik pa ba ng Pinas si Julia Montes?

By Reggee Bonoan February 01,2019
share this

JULIA MONTES

Sa mga nagtatanong kung nasaan na si Julia Montes, nasa Germany pa rin ang dalaga kung saan nagbabakasyon kasama ang biological dad nitong si Martin Schinittka at ang pamilya nito.

Sa Abril, 2019 ang balik sa bansa ni Julia para harapin muli ang kanyang showbiz career. Ayon sa handler niyang si Mac Merla ay marami nang naka-line up na pelikula para sa aktres.

Sabi ni Mac nang makausap namin kahapon, “Maraming naka-line-up na movies and endorsement kaya lang need mag-wait kasi nga wala siya rito.

“So far, may tatlong naka line-up sa akin na willing mag-pitch pagbalik niya. Iba-ibang film outfits. May indie film din,” sabi pa ni Mac.

Kaya siguro tinagalan na ni Julia ang bakasyon niya dahil matagal na panahon na naman bago sila magkitang mag-ama.

Matatandaang noong Disyembre, 2016 unang nakita at nakilala nang personal ni Julia ang ama nang dumating sa Pilipinas at dahil dito ay nasambit niyang kumpleto na ang pagkatao niya dahil nakilala na niya ang tunay niyang tatay.

Lumaki si Julia sa piling ng kanyang biological mother, step dad at half-siblings. Huling pagkikita ng mag-ama ay noon pang June, 2018.

Ina-update naman ni Julia ang kanyang fans and followers sa kanyang Instagram posts kaya maski paano ay mga balita pa rin sa kanya kahit na matagal na siyang wala sa Pilipinas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending