NAIS humingi ng kasiguruhan ng isang solon sa gobyerno na ang ginagawang rehabilitasyon sa Manila Bay ay magreresulta sa reclamation ng Manila Bay.
Ayon kay Anakpawis Rep. Ariel Casilao suportado nito ang paglilinis sa Manila Bay subalit may nababalitaan umano siya na ginagawa ito bilang paghahanda sa gagawing reklamasyon ng 32,000 hektaryang coastal area para tayuan ng 43 infrastructure projects.
“Ano ang silbi ng rehabilitasyon mo kung magtatambak ka ng lupa…. para itayo ang mga proyekto ng Build, Build, Build?” tanong ni Casilao.
Ayon kay Casilao, gumawa ang National Reclamation Authority ng draft 2019 reclamation plan sa Manila Bay.
“Mawawalan ng saysay ang rehabilitation na ito kung itutuloy pa rin naman pala ng gobyerno ang pagtatambak ng lupa to pave the way for private projects, malalaking negosyo.”