E.Samar niyanig ng magnitude 4.8 lindol

NIYANIG ng magnitude 4.8 lindol ang Eastern Samar kaninang umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Naramdaman ang lindol alas-11:27 ng umaga. Ang epicenter nito ay 36 kilometro sa silangan ng Hernani at may lalim na anim na kilometro.

Nagresulta ito sa Intensity IV na paggalaw sa Hernani.

Intensity III naman sa Tacloban City, Palo, Leyte; General MacArthur, Llorente sa Eastern Samar at Borongan City.

Read more...