Gretchen duwag, puro dakdak lang daw; pasabog laban kay Kris pumalpak


MUKHANG naging banderang kapos si Gretchen Barretto sa kanyang mga sigaw kontra kay Kris Aquino. Hindi tumagal ang pasabog niyang mga bomba at ang masakit pa ay mismong sa mukha niya nagsabugan ‘yun.

Payo ng mga netizens sa aktres ay tantanan na kasi niya ang pakikisawsaw sa mga isyung wala naman siyang maidadagdag at maibabawas.

Pinayuhan si Greta na manahimik na lang, huwag nakikisali sa kontrobersiya, dahil hindi naman siya sakdal-linis na personalidad na walang maibabato pabalik sa kanya ang publiko.

“Kung may galit siya kay Kris, e, bakit hindi niya harapin ‘yung tao? Diretsahin niya! Hindi ‘yung ganyan na puro posting lang ang ginagawa niya sa social media. Kaduwagan ‘yun!

“Ang tunay na matapang, e, humaharap sa mga kalaban niya! Hindi puro parinig lang, hindi puro pagpo-post lang na ano tuloy ang nangyari?

“O, di siya ang nasabugan ng mga pasabog niya? Mintis ang mga bombang sinasabi niya, nagsalita ang mga idinadamay niyang tao sa issue, soplak siya!

“Manahimik na lang kasi siya! Huwag na siyang nagpapapansin, magtrabaho siya uli, para may pinagkakaabalahan siya!” isa lang sa mga komentong direktang sinabi ng isang netizen kontra kay Gretchen Barretto.

Read more...