Kate Valdez naka-jackpot: Sinampal ni Ate Guy sa Onanay

ANG intense ng sampalan scene nina Superstar Nora Aunor at Kate Valdez sa episode na napanood namin kamakalawa ng gabi sa Onanay.

Siguradong maraming youngstars ngayon ang naiinggit kay Kate dahil sa dinami-dami ng mga kabataang artista ngayon ay siya ang maswerteng napili para masampal ni Ate Guy sa isang teleserye.

At kung hindi kami nagkakamali, totoong sampal ang natikman ng Kapuso star mula sa Superstar dahil talagang ramdam na ramdam ng manonood ang lakas ng pagdapo ng palad ng award-winning actress sa mukha ni Kate.

Talagang naubos na ang pasensiya ni Nelia (Ate Guy) sa kasamaan ni Natalie (Kate) matapos siyang sagut-sagutin nito nang pagalitan niya ito sa hindi pagsunod sa kanyang utos a pambabastos sa kanyang inang si Onay (Jo Berry).

Ang gusto kasi ni Natalie ay gawing impiyerno ang buhay ng kanyang nanay, Lola Nelia, at kapatid na si Maila (Mikee Quintos) para pabalikin na siya kay Helena (Cherie Gil).

Kung nagtitimpi si Onay sa pag-uugali ng anak, hindi na nakapagpigil si Nelia at talagang tinuruan na ng leksyon ang apo.

Sundan ang patuloy na umiinit na kuwento ng Onanay sa GMA Telebabad.

Read more...