Maine nanindigan para kay Arjo kahit kasuklaman ng AlDub fans


WITHOUT a scintilla of doubt, upbringing has a lot to do sa kung ano ang kalalakhan ng isang anak.

Born to Art Atayde and Jo Campo (popularly known as Sylvia Sanchez), hindi kataka-taka kung lumaki mang matitino, marespeto at values-oriented ang kanilang celebrity kids na sina Arjo at Ria.

Of late, paboritong i-bash ng mga mababaw-at-malabnaw-ang-utak na netizens ang magkapatid most especially Arjo na anila’y ginagamit si Maine Mendoza to gain publicity mileage, kasabay ng pagkakaroon ng career out of TV or film assignments.

In fairness to Maine, matapang niyang hinarap ang kanyang fans (kahit alam niyang magagalit sa kanya ang ilan dito) para ipagtanggol ang kanyang manliligaw at agad kinlaro that the Atayde siblings need not resort to taking advantage of her. May ipinagmamalaki naman kasing talent sina Arjo at Ria.

Mabuting nanggaling na ‘yon mismo kay Maine, na pilit inilalayo ng iba niyang fans kay Arjo. Malinaw naman kasi ang motibo ng mga bashers whose convoluted mind hasn’t moved on at nananatili pa ring nag-iilusyon sa tambalan nina Maine at Alden Richards.

Pinaniniwala rin ng bashers ang kasinungalingan sa likod mismo ng ikinakalat nilang ginagamit lang ng magkapatid na Atayde si Maine. Kailan at paano?

Maaaring climbing the popular ladder sa parte ni Arjo became easy dahil anak nga siya ni Sylvia, but Arjo did not just rely on his mom’s status or career achievements.

On his own ay nag-struggle siya, and his hard work paid off. This may also be said of Ria who worked her butt to earn a name for herself.

Sana man lang kung mga newbies lang ang magkapatid, using other people to gain leverage would be a wise (?) career scheme.

Read more...