Kathryn nagsalita na tungkol sa pagpo-propose raw ni Daniel sa Japan | Bandera

Kathryn nagsalita na tungkol sa pagpo-propose raw ni Daniel sa Japan

Ervin Santiago |January 30,2019
facebook
share this

Kathryn nagsalita na tungkol sa pagpo-propose raw ni Daniel sa Japan

Ervin Santiago - January 30, 2019 - 06:10 PM

KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA

MARIING pinabulaanan ni Kathryn Bernardo na engaged na sila ni Daniel Padilla.

Kamakailan kasi ay kumalat ang balita na nag-propose na raw si Daniel kay Kathryn nang magbakasyon sila sa Japan kasama nitong nakaraang holiday season kasama ang kani-kanilang pamilya.

Nag-ugat ito sa nakakabiting Instagram post ng nanay ni Kathryn na si Mommy Min na nagsasabing, “May nag-propose.”

Sa panayam kay Kathryn sa isang event, sinabi nitong walang proposal na naganap sa Japan, “Iyung pinakita, ‘yung (post) sabi ko, ‘nakakaloka kayo, mababaliw ‘yung mga tao.’ Hindi, hindi po talaga.”

Diretso namang sinabi ng tinaguriang Queen of Hearts na open naman siya sa usaping “marriage proposal” pero aniya medyo matatagalan pa ito dahil kailangan muna nilang paghandaan ni Daniel ang kanilang future.

“Hindi muna siguro. Open ako sa idea pero kailangan pa naming magtrabaho pareho and baka too young pa ngayon (ang magpakasal),” lahad ni Kathryn.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending