6 rebelde patay sa engkuwentro

ANIM na kasapi ng New People’s Army ang napatay nang makasagupa ng mga tropa ng pamahalaaan ang rebeldeng grupo sa Tinambac, Camarines Sur, Miyerkules ng umaga, ayon sa militar.

Ayon kay Capt. Joash Pramis, Army 9th Infantry Division public affairs officer, naganap ang sagupaan sa Brgy. Lupi, dakong alas-6.Nagsasagawa ng operasyon ang mga miyembro ng 83rd Infantry Battalion nang maengkuwentro ang aabot sa 15 rebelde, aniya.

Tumagal nang 20 minuto ang bakbakan, at inulat ng naturang unit na anim na rebelde ang napatay, ani Pramis.

Nakarekober din ang mga kawal ng Troops apat na M16 rifle, isang grenade launcher, at mga dokumento, aniya.
Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga sundalo habang isinusulat ang istoryang ito.

Read more...