ISANG kapitan ng barangay na tumatakbo sa pagkakongresista ang pinagbabaril at napatay ng riding-in tandem sa Quezon City ngayong araw.
Dead on arrival sa FEU Hospital si Crisell ‘Bheng’ Beltran sanhi ng mga tama ng bala.
Nasawi rin ang driver ni Beltran na si Melchor Salita na dinala sa General Malvar Hospital.
Sakay si Beltran at tatlong iba pa ng puting Ford Everest (NDO 612) at binabagtas ang JP Rizal, Brgy. Bagong Silangan ng tabihan ng apat na lalaki na nakasakay ng dalawang motorsiklo alas-11:40 ng umaga.
Pinagbabaril ng mga suspek ang sasakyan ng biktima. Nasugatan din sa pangyayari ang apat pang katao.
Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamamaslang.
MOST READ
LATEST STORIES