Piolo bibida sa ‘The Bouncer’ ng Spring Films; isusulat, ididirek ni Ely Buendia

SA UP Cine Adarna inanunsyo ng Spring Films ang mga pelikulang gagawin nila ngayong 2019 kasabay ng kanilang ika-10 anibersaryo.

Sa pangunguna ng Spring Films owners na sina Piolo Pascual at Binibining Joyce Bernal, naikuwento nila na ang daming gustong sumosyo sa kanilang mga proyekto.

“We inspire to do more and because of what happened to Kita Kita (malaki ang kinita) at maraming lumapit sa amin to co-produce or makipag-partner, mas lumawak ‘yung learnings namin through the years,” bungad ni Piolo nang makatsikahan siya ng ilang members ng press sa event.

Ang “Kita Kita” na pinagbidahan nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez na idinirek ni Sigrid Andrea Bernardo ang highest grossing indie film sa history ng pelikula na umabot sa P420 million worldwide.

Ilan sa mga pelikula ng Spring Films na naka-line up this year ay ang “Sunshine Family, ” “I’m Ellenya L” nina Inigo Pascual and Maris Racal, “Hayop Ka,” “UP Project,” “Chona: Istariray Is Born,” “Puppy Love”, “Marawi,” “The Bouncer”, “A Short History of Parking Lots”, “Ang Araw ng Itim na Nazareno” at “Post Angst”.

Ayon kay Piolo mas gusto nilang gumawa ng iba’t ibang genre para mas lumawak ang audience nila, “Nakakatuwa lang kasi ‘yung mga pumapasok na konsepto, nae-enjoy din naming gawin.”

Nanggaling daw ang mga konsepto sa iba-ibang tao, “’Yung iba nanggaling sa mga baul, mga hindi nangyari o hindi puwedeng ilabas. Pag ikaw na producer, ‘yun mga hindi puwedeng ilabas, puwede na ngayon,” say naman ni direk Joyce.

Sa mga nabanggit na titulo ay nadulas si Bb. Joyce na si Piolo ang gagawa ng, “Post Angst (Ay!),” gulat na sabi ng direktora. “Sa kanya ‘yung Puppy Love, Nazareno at may isa pa.”

Pero siniguro naman ng aktor na gagawa pa rin siya ng pelikula sa Star Cinema sa kalagitnaan ng taon, “Hindi ko pa puwedeng sabihin kung sino ang makakasama ko pero it’s a reunion movie. Nagkasama na kami before.”

Kung nadulas si Joyce kung ano ang pagbibidahan ni Piolo sa mga pelikula ng Spring Films ay nadulas din ang aktor, “The Bouncer, written and directed by Ely Buendia of Eraserheads para sa PPP (Pista Ng Pelikulang Pilipino), in-announce ko talaga. Ha-hahaha.”

May pelikula rin silang ipi-pitch kay Kathryn Bernardo, ang “History of Parking Lots.”

Dagdag naman ni PJ, “We have already four projects in the can na matagal nang tapos, itong ‘Kuya Wes’ (ni Ogie Alcasid) and there’s three more. Nagkasabay-sabay lahat.”

Bukod dito, parte rin siya ng pelikulang “Marawi: The Children of the Lake”, “Yes we’re leaving next week, first shooting,” say ng aktor na dinugtungan naman ni direk Joyce ng, “Titingnan namin ‘yung location na isu-shoot na namin.”

Halos dalawang taon na ang preparasyon sa nasabing pelikula, “Mahirap kasi talaga siya, mahalaga siyang usapin kaya pinaghahandaan. Sana ‘yung pelikula hindi mag-create ng conflict, ‘yun ‘yung aayusin,” dagdag ni Direk Joyce.

Inamin din nilang nahirapan ang grupo nang bitiwan ng unang direktor ang “Marawi” na si Sheron Dayoc, “Oo mahirap, kumuha na kami ng tunay na Maranaw na magsusulat at magdidirek. Ibinigay namin ‘yung script tapos siya na ang magsusulat at sasamahan ko siyang magdirek, dalawa kami ni direk Omar Ali,” pahayag ni direk Joyce.

Bukod sa script pati ang karakter ni Piolo sa movie ay nabago na rin, “Hindi na katulad dati, off-beat na,” sabi ng aktor.

At bilang bahagi ng 10th anniversary ng Spring Films ngayong 2019 ay ipinalabas sa UP Cine Adarna ang 2018 Cinemalaya entry nilang “Kuya Wes” starring Ogie Alcasid, Ina Raymundo, Moi Marcampo, Alex Medina at marami pang iba na idinirek ni James Robin Mayo.

Read more...