BIBIDA sina Kim Dong Wook at Park Se Young sa upcoming Korean drama na Special Labor Inspection Team na nakatakdang umere sa Abril.
Kamakailan ay nagsagawa na ng first script reading ang cast. Kwento ito ni Jo Jin Gap (Kim Dong Wook) na itinalaga bilang Labor Supervisor ng Ministry of Employment and Labor.
Gaganap naman si Se Young bilang ex-wife ni Jin Gap. Kasama rin dito si Kim Kyung Nam na gaganap bilang dating assistant ni Jin Gap.
Unang napanood si Dong Wook sa sikat na Korean series na Coffee Prince noong 2007.
MOST READ
LATEST STORIES