Ruru Madrid nanlaban sa mga holdaper: Wala silang nakuha sa ‘kin


HINDING-HINDI malilimutan ni Ruru Madrid kung paano niya nilabanan noon ang isang holdaper habang pauwi siya galing sa school.

Sa panayam ng GMA 7, natanong ang leading man ni Kylie Padilla sa upcoming series na TODA One I Love tungkol sa mga hindi nila malilimutang experience sa pagko-commute, lalo na sa pagsakay ng jeep.

“Dati kasi, laging ako nagji-jeep lalo na ‘pag papasok sa school noong high school ako. Minsan uuwi na ako ng gabi kasi magte-training pa ako ng basketball.

“Na-hold-up yung sinasakyan naming jeep tapos ako lang yung hindi nakuhanan ng gamit kasi lumaban ako, eh,” kuwento niya.

Naibahagi naman ni Kylie na lagi siyang tumatakas sa bahay nila noong 14 years old pa lang siya para lang makita ang kanyang crush.

“Hindi ko talaga makalimutan is iyong tumatakas ako noong may crush ako. Tatakas ako ng bahay, ‘tapos sasakay ako ng jeep para lang makita siya,” natatawang kuwento ng Kapuso actress.

Read more...