Checkpoint sa MM hihigpitan

MAGPAPATUPAD ng mas mahigpit na checkpoint ang National Capital Regional Police Office bunsod ng naganap na pagsabog sa isang katedral sa Jolo, Sulu

Ani NCRPO director Chief Supt. Guillermo Eleazar, ipinag-utos ni PNP chief Director Gen. Oscar Albayalde na paigtingin ang pagbabantay sa mga entry at exit points ng Metro Manila upang hindi malusutan ng masasamang elemento, partikular ang mga maghahasik ng terorismo.

Kabilang din sa mga lugar na hihigpitan ng seguridad ang simbahan, shopping malls at terminals.
Bunsod nito ay kaagad na nagsagawa ng inspeksyon si Eleazar sa mga vital intallations sa Metromm Manila, kabilang ang mga MRT at LRT stations.

Nanawagan naman ang NCRPO chief sa publiko na maging alerto at mapagmatyag sa lahat ng oras.

“Sakaling may napupuna kayong mga kahina-hinalang pagkilos ng ilang indibidwal at ilang grupo sa inyong lugar ay kaagad itong i-report sa mga hotlines ng himpilan pulisya upang kaagad itong marespondihan,” aniya.

Read more...