Du30 bumisita sa Jolo, Sulu

BINISITA ni Pangulong Duterte ang binombang Our Lady of Mount Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu kung saan mahigit 20 ang patay at mahigit 100 iba pa ang sugatan.

Sinabi ni dating Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, na binisita rin ni Duterte ang burol ng ilan sa mga biktima ng twin blast sa kasagsagan ng misa kahapon.

Pinulong din ni Duterte ang mga lokal na security official, kasama sina Philippine National Police (PNP) chief Oscar Albayalde at Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Benjamin Madrigal.

Read more...