Catriona dedma sa init ng Indonesia maibandera lang ang ‘batik’ ng Pinas


NASA Indonesia ngayon si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Pagkatapos ng ilang araw na pananatili sa USA (New York City), nagtungo naman sa Indonesia ang dalaga para sa pagpapatuloy ng kanyang mga duties bilang bagong Miss Universe.

Umawra si Catriona suot ang ipinagmamalaking Batik ng Pilipinas at wala siyang keber kung mainit ang klima sa Indonesia.

Nag-post siya ng photo sa Instagram suot ang kanyang Batik scarf na may caption na: “My first time to wear and own a hand-painted Batik scarf. I love learning about another countries textiles just as much as I love sharing my own! Thank you @youc1000vitamin for the beautiful gift!”

Nakatakda siyang gumawa roon ng isang TV commercial para sa isa sa official sponsors ng pageant. Kahit nasa ibang bansa, maintain ni Catriona ang pagiging mapagmahal at loyal niya sa Pilipinas.

Read more...