TEASER pa lang, patok na! Ito ang nangyari sa music video ng isa sa mga OST ng TODA One I Love—ang “Sana sa Huli” na inawit ng bidang actor na si Ruru Madrid.
Nitong Martes lang naging available sa Facebook page ng TODA ang teaser pero umabot na ito ng halos 70,000 views sa loob lang ng isang araw. Marami rin sa mga nag-comment ang hindi mapigilan ang kiligin sa love triangle ng mga karakter nina Ruru, Kylie Padilla at David Licauco.
Confirmed na confirmed na hindi talaga nawala ang chemistry ng KyRu loveteam kahit matagal na silang hindi nagkasama sa trabaho. Huli silang nagsama sa second version ng Encantadia sa GMA.
Bukod kay Ruru, balita namin ay may aawitin ding OST si Kylie para sa serye. February na ang world premiere ng nasabing political romcom series mula sa GMA Public Affairs at abangan kung sinu-sino pa ang makakasama sa newest Telebabad show.