MULING itinalaga ni Pangulong Duterte si dating Labor Undersecretary Joel Maglunsod matapos sibakin dahil sa pagiging makakaliwa.
Itinalaga si Maglunsod bilang Executive Director III sa National Maritime Polytechnic ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Pinalitan ni Maglunsod si Romulo V. Bernades.
Pinirmahan ni Duterte ang appointment ni Maglunsod noong Enero 25, 2019.
Matatandaang sinibak ni Duterte si Maglunsod noong Oktubre 2018 matapos namang mahinto ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng Communist Party of the Philippines (CPP).
Kilala si Maglunsod bilang makakaliwa.
MOST READ
LATEST STORIES