HABANG pinag-uusapan ng bicameral conference committee meeting ang national budget para sa 2019, nanawagan ang Alliance of Concerned Teachers na pondohan ang pagtataas sa sahod ng mga guro at rank-and-file government employees.
Ayon kay Rep. Antonio Tinio mismong si Pangulong Duterte ang nagsabi na nais niyang itaas ang sahod ng mga guro.
“We now urge our fellow legislators, as they deliberate at the bicameral conference for the national budget, to ensure the inclusion of the substantial salary increase for teachers and other government employees, and rechannel the P75 billion pork barrel to fund the substantial salary increase and benefits of our government workers,” ani Tinio.
Nagpasalamat naman si Castro dahil naisama sa budget ang P500 taunang medical examination fund ng mga guro alinsunod sa Magna Carta for Public School Teachers.
“Our teachers do more than teach our youth their daily lessons. They are also nurses, social workers, guidance counselors, canteen managers, clerks, janitors, among others and with their services, the Duterte administration repays them with terrorist tagging, profiling and harassment,” ani Tinio.
Kung walang dagdag na budget, ang makukuha ng mga guro ngayong taon ay ang dagdag na sahod mula sa 4th tranche ng Salary Standardization Law 4 na nagsimula kay dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III.