Pagbubuntis ng ka-loveteam ni sikat na aktor fake news; nagpakalat ng tisismis may sayad

PINAGTATAWANAN lang ng kampo ng isang sikat na male personality ang kuwentong pinalulutang ngayon ng mga taong walang magawa sa buhay. Tawa lang daw ang dapat na maging sagot du’n.

Sino naman kasi ang hindi mapapahalakhak sa istoryang ipinakakalat ng isang grupo na diumano’y nag-live-in daw sila ng kanyang ka-loveteam?

Kuwento ng aming source, “Meron silang inila-labas na teleserye. Kunwari raw, e, aalis na sa studio ang magka-loveteam, kani-kanyang sasakyan daw ang ginagamit nila.

“Pero meron na raw silang usapan na magkikita sila somewhere. Du’n na raw bababa sa car niya ang girl at lilipat sa car ng male perso-nality. At magkasama na raw silang uuwi sa bahay nu’ng lalaki.

“Nag-live-in daw kasi sila, matagal na panahon daw silang nagsama sa isang bubong, sa bahay kuno ng male personality! Hindi ba naman mga hunghang ang mga taong ‘yun?

“Nag-live-in pala sila sa house ng male personality, pero bakit bulong lang, e, hindi naman lumabas at pinag-usapan ang issue na ‘yan?” namamanghang kuwento ng chikadora naming impormante.

At heto pa raw. Nu’ng nagli-live-in na raw ang magka-loveteam ay nagdalantao ang girl. Itinago lang daw ng magka-loveteam ‘yun. Tapos, nanganak daw ang female personality.

“Nakakaloka ang mga taong ‘yun! Kailangan na nila ng professional help. Imagine, kinakaya nilang maglabas ng mga kuwentong tunog-ilus-yon?

“Kailan nag-live-in ang magka-loveteam? Kailan nagbuntis ang girl? Saan siya na-nganak? Nasaan na ang anak nila ng male personality? Ano baaaa??? Hindi ba naman dapat lang at karapat-dapat nang makipagkita sa mga doktor ang mga lukring na ‘yun?

“Nakakaloka sila! Nag-live-in daw ang magkatambal, dyusko, sa ginagawa nilang pagsubaybay sa buhay at galaw ng mga idolo nila, e, nakalusot ang pagli-live-in at panganganak ng girl?

“Tumigil na sila! Ma-nalamin sila, dahil baka mismong kunsensiya nila ang bumatok sa kanila! Nakakaloka ang mga ilusyunadang ‘yun!” humahalakhak na pagtatapos ng aming source.

Naku, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kapag naupo pa naman kayo ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan, e, talaga na lang!

 

Read more...