Robin ‘pinakidnap’ ni Pacman para gawin ang pelikula ni Bato

ALIW si Robin Padilla dahil inamin niyang matagal na niyang pinangarap maging Regal Baby. At natupad na nga ito dahil Regal Entertainment ang magri-release ng pelikula niyang “Bato: The Gen. Ronald dela Rosa Story.”

“Sa matagal na panahon, pinangarap ko pong makapasok ng Regal, at dumating sa pagkakataong ito, Regal baby na ako! Hindi naman tayo huli pa,” masayang sabi ni Robin sa ginanap na mediacon ng biopic ni Bato.

Naikuwento ni Robin na ang aktor na si Jayke Joson ang nagsabi sa kanya tungkol sa pelikula ni Bato.

“Si Jayke po ang kumidnap sa akin na galing ako sa pagpapahinga, dinala ako sa Shangri-La sa utos ni idol Manny Pacquiao para pag-usapan namin ang pelikula ni Bato. Kaya Senator Manny, maraming salamat sa ‘yo,” sambit ng aktor.

Nabanggit din ni Robin na reunion movie rin ito ng mga ka-batch niya sa movie industry, “Sabi nga ni Monsour del Rosario, pare, old school. Napakasarap po kasing dinggin ang old school kasi alam n’yo mga anak (sabi sa mga young actors na kasama niya sa pelikula), nu’ng old school, wala pang mga daya noon.

“Lahat ng stunts noong araw, talagang tunay. Tulad po ng mga ginawa ko na may proper training. Hindi po puwedeng (mag-stunt) ng walang training. Ganu’n ang old school, pakikisama at pagmamahal sa trabaho mo.

“Hindi ‘yung parang pabrika na lang. Kasi nasanay na tayo na kapag gumawa ng pelikula, parang pabrika na lang wala ng puso, madalian. Pero ‘yung old school, masyado naming minamahal ‘yun.

“Hindi naman ibig sabihin na matanda na kami pero ‘yung pakikisama mga anak, huwag nating alisin ‘yun, na kahit na madaling araw na ay nakangiti pa rin tayo dahil mahal natin ang trabaho natin,” ani Binoe.

Kaya reuinom movie ang turing dito ni Robin ay dahil kasama niya sina Efren Reyes, Jr.. Aniya, “Ang karakter ko po rito ay si Presidente Rodrigo Duterte, pinag-aralan ko ‘yung nuisances ng presidente, pagtiyagaan n’yo na kung ano ang nakita nyo sa akin, konti lang naman ang ginampanan ko.

Pahayag naman ni Jayke Joson, “Kuwento ko lang nu’ng kinausap ako ni Senator (Pacquiao), sabi niya, ‘alam mo Jayke si General Bato pinakanakikita mong totoong tao. What you see is what you get, matapang siya sa mga masamang tao. Pero sa mga mabuti at gumagawa ng kabutihan, ipagtatanggol niya kayo hanggang kamatayan.

“Kaya sabi niya, tingnan mo nga kung paano natin matutulungan si General Bato kaya kinausap namin, first option namin si Robin.

“At nu’ng malaman ni General Bato na si Robin, i-nisip niya baka tumakbo si Robin na senador kasi nagri-rate sa survey, so hinintay naming matapos ang filing at sabi nga ni Robin, susuporta siya, kaya na-finalize na. Kaya nu’ng nakita at nabasa ni Robin ang storyline, na-in-love siya sa istorya at sabi niya, ‘gagawin ko ‘yan.’

“Tapos nu’ng pinadala namin kay General Bato ‘yung 15 seconds trailer, naiyak siya. Sabi niya, ‘Jayke parang ako si Robin, nakita ko ‘yung sarili ko na hawak ko ‘yung bata bumabaril, hindi baling mamatay ako, mailigtas ko lang ‘yung bata.

“Ang role ko po, makasama ko lang si Robin sa pelikula kaya puwede na akong mamatay kasi nakasama ko na si Robin, ‘yun lang po,” aniya pa.

Sumunod namang nagsalita si Joko Diaz, “Nagpapasalamat ako sa Regal, sa ALV kay Jayke dahil nabigyan ako ng pagkakataong muling makatrabaho ang idol kong si Robin Padilla. Matagal na matagal na po kaming huling nagkasama, ‘Mistah’ (1994) pa.

“Iyon po ang first time naming magkasama ni Robin sa action na matindi at nasabi ko sa sarili ko, magkakasama kami ulit nito. Kaya nu’ng nagkita kami sa set, sabi ko, ‘brother, long time no see.’

“Tapos ‘yun, nagkuwentuhan na kami. Sa movie na ito, ako ‘yung gumanap na isang rebelde. Ako naman ‘yung tagaturo nila kung nasaan ‘yung mga kaaway nilang rebelde kasi nagbagong-buhay na ako.

Actually ang nakasama (eksena) ko rito si Kiko (Estrada), ‘yung batang Gen. Bato, so abangan n’yo po ang pelikulang ito.”

Mapapanood na ang “Bato: The Gen. Ronald dela Rosa Story” sa Enero 30 mula sa ALV Films, BENCHingko at Regal Entertainment, sa direksyon ni Adolf Alix, Jr..

Read more...