Payo ni Kris sa StarStruck hopefuls: Kapalan ang mukha


NAGHATID ng inspirasyon ang Asawa Ko Karibal Ko star na si Kris Bernal sa mga pumila sa unang araw ng Manila auditions para sa StarStruck.

Hinirang kasi ang Kapuso actress bilang StarStruck Season 4 Ultimate Female Survivor, kaya naman sa kanyang pagbisita ay naalala niya ang kanyang pinagdaanan noong siya ay nag-audition para sa reality-based artista search.

Kasabay ng kanyang pag-alala sa pinagdaanan noong nag-audition siya, nagbigay si Kris ng payo sa mga gustong tuparin ang kanilang pangarap na makapasok sa StarStruck.

“Kaya niyo ‘yan basta lakasan niyo lang ‘yung loob niyo.” Dagdag pa ni Kris, kailangan ding kapalan ng hopefuls ang kanilang mukha para maipakita ang kanilang talento. Ayon kay Kris, ito ang kanyang ginawa para magwagi sa StarStruck. Kitang kita naman ang resulta ng kanyang hard work.

Samantala, ang Manila auditions para sa StarStruck ay tatagal hanggang Fe. 15 sa GMA Annex Building.

Read more...