Eastern Samar niyanig ng magnitude 5.1 lindol

NIYANIG ng magnitude 5.1 lindol ang Eastern Samar ngayong hapon.

Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology na magkaroon ng aftershock ang pagyanig na ito.

Naramdaman ang lindol alas-2:24 ng hapon. Ang epicenter nito ay 44 kilometro sa silangan ng Hernani.

May lalim itong 11 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.

Naramdaman ang Intensity III paggalaw sa Tacloban City, Babatngon at Barugo, Leyte at Borongan, Samar.
Intensity II naman sa Palo, Leyte.

Read more...