Sa blog ni Darla Sauler, (darlasauler.com) nai-post ang mensahe ni Ynna Asistio tungkol as paghihiwalay nila ni Mark Herras. Inamin niyang totoong break na sila ng aktor pero wala raw kinalaman ang ina niyang si Nadia Montenegro rito, at hindi rin daw dahil sa pera kaya sila nag-split.
Ani Ynna, “Gusto ko lang sana i-clear sana na wag na lang idamay Mama ko sa breakup namin…wala naman siya kinalaman dito. She found out through Mark, because I didnt want to tell anyone.
There is no money involved in this issue.. It’s between me and Mark na lang. Kasi di ko na din kaya pinagsasabi ng mga tao… I’m doing great now and I hope Mark is doing well too 🙂 and to everyone who supported us and is supporting us thank you.”
Well, good luck na lang sa yo, ‘Ynna!