MASIPAG na langgam kung ilarawan ng kampo ng isang pamosong female personality ang isang male TV personality na matagal na panahon niyang naging kaibigan.
Ikinuwento muna ng grupo ang ugali ng mga langgam. Madali raw malaman kung saan maraming pagkain dahil du’n nagkukuta ang mga langgam.
Lalo na kung matamis ang pagkain, siguradong may mga langgam sa parteng ‘yun, dahil naglalaan na sila ng makakain nila pagdating ng tag-ulan.
Kuwento ng aming source, “In short, user ang taong tinutukoy nila. Kung saan may asukal o food, nandu’n siya, kasi nga, may nakukuha at napapala siya.
“Ganu’n daw kasi ang male TV personality, walang paninindigan, ang mahalaga lang para sa kanya, e, ang pansarili niyang interes.
“Kahit sa mga issue, marunong siyang pumili ng papanigan niyang side. Kung wala naman siyang makukuha sa kabila, du’n na siya sa isa, dahil meron siyang mapapala.
“User to the max daw ang male TV personality, palibhasa, e, ayaw niyang bumalik sa hirap. Ayaw na niyang magutom, kaya ngayon pa lang, e, para na siyang langgam na masipag na naghahanda sa pagdating ng tag-ulan sa buhay niya,” chika ng aming source.
Nu’ng magkasama pa sa trabaho ang dalawang ito ay palaging kumakampi ang male TV personality sa pamosong female personality. Palagi nitong ipinagtatanggol ang girl kahit mali na ang mga ginagawa.
Sabi uli ng aming impormante, “Wala namang problema sa kanya kahit mali ang kinakampihan niya, e.
Carry niya ‘yun, kaya niyang ipaliwanag ‘yun dahil magaling magsalita ang male TV personality, di ba?
Ang mahalaga lang sa kanya, e, ang kung ano ang makukuha niya sa kakampihan niya.
“‘Yun lang ‘yun. Pero kita n’yo, nu’ng wala na siyang mapapala du’n sa girl, nagsasalita pa ba siya?
Ipinagtatanggol pa ba niya ang kaibigan niya kuno?
“Waley na! Kasi nga, e, ano pa ang mapapala niya du’n sa girl, meron pa ba? Kaya talagang isa siyang langgam! User siya! Nanginginain lang siya!
“Kung nasaan ang asukal na sweet na sweet, nandu’n siya. Pero kapag wala na siyang mapapakinabangan, babu na siyempre siya!” nakairap na pagtatapos ng aming source.
Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, ang langgam, bow! Kilalang-kilala n’yo kung sino ang ipinaglihi sa hinog na manggang male TV personality na ito!