Saludo ang mga female netizens sa ipinamamalas na “body positivity” ni Julia Barretto sa social media.
Sa halip kasi na mahiya sa pagkakaroon ng maliit na dibdib ay talagang ibinabandera pa niya ito sa buong universe. Aminado ang girlfriend ni Joshua Garcia na hindi siya biniyayaan ng malaking boobs, pero hindi niya ito itinuturing na “liability” bilang babae.
Inamin kamakailan ni Julia na hindi siya nagsusuot ng bra dahil wala naman daw itong kakapitan. Wala naman daw siyang magagawa kundi tanggapin kung anumang meron siya dahil iyon ang ibinigay sa kanya.
Kahapon, muling humanga sa kanya ang mga netizens, lalo na ang mga tulad niyang babae na may maliit na dibdib dahil sa kanyang litrato sa Twitter kung saan napakarami niyang hawak ng nipple tapes.
Tweet ni Julia, “100 nipple tapes kasi ito lang ang kayang kumapit!” Ang daming nag-comment sa post ng dalaga.
“Kaya nga love kita kasi nga totoo ka sa sarili mo!”
“I stand a practical and proud woman!”
“Patay tayo dyan namakyaw na si Juls. Anong masasabi mo, Josh?”
“Ok lng flat sa haparan Juls bawing bawi ka naman sa likod.”
“Ok lang yan. Ikaw pa din ang pinakamaganda sa lahat kahit nipple tape lang!”