NAPABILIB din si Hollywood A-lister Drew Barrymore sa bonggang performance ng TNT Boys sa US global talent competition na The World’s Best sa exclusive teaser na ipinost mismo ng aktres sa kanyang Instagram account.
“You know, I have a soft spot for kids. I was a kid performer, but I have kids now. This is a whole other thing. You possess a gift, you’re just that good,” ang comment ni Drew sa performance ng trio nina Mackie Empuerto, Keifer Sanchez at Francis Concepcion kung saan ibinirit nila nang todo ang “Listen.”
Nakakuha rin ang grupo ng standing ovation mula sa kapwa judges ni Drew na sina Grammy-winning artist Faith Hill at drag queen superstar RuPaul, pati na sa “wall of the world” ng programa na kinabibilangan ng 50 sa mga pinakamatatagumpay na eksperto sa iba’t ibang larangan ng entertainment.
Narito ang kabuuan ng post ni Drew sa kanyang official Instagram page may 10.4 million followers, “I’m thrilled to be a judge on @theworldsbestcbs alongside @faithhill @rupaulofficial and our fearless leader @j_corden ! This show is overflowing with talent from around the world. Here’s a sneak peek exclusive clip of what’s to come – I can’t wait for you all to see it!!!!”
“This performance from @thetntboys was so incredible #WorldsBest,” dagdag pa ng Hollywood superstar.
Mapapanood na ang The World’s Best ngayong Feb. 9 sa US TV network na CBS pagkatapos ng Super Bowl at pangungunahan ng Tony Award-winning actor at host na si James Corden.
Unang nakilala sina Mackie, Kiefer, at Francis bilang grand finalists ng “Tawag ng Tanghalan Kids” at nabuo bilang grupo noong 2017.
Matinding galing sa pag-awit ang kanilang ipinamalas na nagdala sa kanila sa iba’t-ibang panig ng mundo, kabilang na sa Little Big Shots UK, US at Australia, at nakapag-perform na rin sila sa harap ng iba’t-ibang head of states gaya nina Pangulong Rodrigo Duterte, Singaporean president Halimah Yacob at Papua New Guinea prime minister Peter O’ Neill. Sila rin ang itinanghal na grand winner ng ikalawang season ng Your Face Sounds Familiar Kids.
Noong Nobyembre, matagumpay nilang itinanghal ang kanilang sold-out na major solo concert sa Araneta Colisuem na nagluklok sa kanila bilang pinakabatang artists na na-sold out ang major concert, hindi lang sa makasaysayang Araneta Coliseum, kundi sa buong bansa