UMABOT na sa 33 katao ang napapatay, samantalang 47 iba pa ang naaresto sa ipinapatupd na gun ban sa Central Luzon kaugnay ng paparating na eleksiyon sa Mayo.
“Killed were gun ban violators who engaged policemen in shootouts while evading checkpoints set up by the Central Luzon police from Jan. 13 to 24,” sabi ni Chief Supt. Joel Coronel sa isang pahayag.
Nakumpiska rin ang 83 iba’t ibang uri ng baril sa rehiyon mula nang ipatupad ang gun ban sa pamamagitan ng Commission on Elections Resolution No. 10446. Kabilang sa mga nakumpiska ang apat na granada, ayon pa kay Coronel.
Tiniyak ni Coronel na patuloy ang pagpapaigtimg ng seguridad para sa paparating na halalan.
READ NEXT
Palasyo sa paggunita ng Mamasapano massacre: Dapat madaliin ng Ombudsman ang pagsasampa ng kaso
MOST READ
LATEST STORIES