Science high school ipinangalan ni Cong sa yumaong anak

MINSAN ang pulitika nakakawala ng respeto sa mga pulitiko kahit na maganda at matino ang kanilang hangarin sa publiko.

Kapag ang isang mambabatas ay nasa posisyon ay asahan na natin siya na gagawa ng batas para sa kanilang nasasakupan tulad na lamang ng kongresista na bida sa ating kwento ngayong araw.

Matagal nang inilalambing ng kanyang mga consituents ang pagkakaroon ng isang Science High School sa kanilang lugar na matatagpuan sa isang kilalang lungsod sa Northern Luzon.

Makaraan ang ilang buwang deliberasyon at pakikipag-konsulta ay nagkaroon ng linaw ang kanilang pangarap.

Lumusot ang panukalang pagtatayo ng isang Science High School para sa mga matatalinong kabataan sa kanilang lungsod.

Halos walang kahirap hirap na nailusot ang panukala sa 3rd and final reading sa Kamara.

Sinabi ng ating Cricket sa Kongreso na ito ay dahil na rin sa lawak ng impluwensiya ng mambabatas sa kanyang mga kasamahan kaya lumusot agad ang panukala.

Sinasabing mas marami sana ang bibilib kay Cong kung ito ay kanyang ginawa base sa pangangailangan ng kanyang constituents at hindi dahil sa personal na interes.

Ipinangalan kasi ni Cong sa kanyang namatay na anak ang Science High School na itatayo sa kanilang lugar.

Pwede namang bigyan ng tribute ang kanyang anak ng hindi ginagamitan ng pondo ng bayan sabi pa ng aking Cricket.

Mahusay na mambabatas si Cong at kilala sa kanyang pagiging mabuting ama pero sa puntong ito ay marami ang na-turn off nang ipangalan niya sa kanyang anak ang ipatatayong paaralan na ginamitan pa ng kanyang legislative power.

Ang bida sa ating kwento ngayong umaga ay si Cong. R…as in Ruby.

Read more...