SA isang restaurant na pinupuntahan lang ng mga mayayaman at mga bukod na pinagpala ay nakita ng isang grupo ang isang female personality na kasama ang kanyang mga amiga.
Inglisan sila nang Inglisan, halatadong mula sila sa mayayamang angkan, natural lang na ang female personality ang pansin na pansin ng mga nandu’n dahil siya lang naman ang artista sa tropa.
Pero sa malapitan nang makasabay ng grupo sa comfort room ang aktres ay meron silang napansin.
Maganda lang pala siya sa malayuan dahil kapag tinitigan nang mabuti ang kanyang face ay parang sobrang banat na banat na ‘yun.
Kuwento ng aming source, “First time siyang nakita nang personal ng mga yayamaning kumakain din sa resto. Gandang-ganda sila dati kay ____ (pangalan ng sosyalerang female personality), pero nu’ng makita na nila ang girl sa malapitan, ganu’n daw pala ‘yun!
“Ang unang napansin ng tropa, e, ang mga paa niya. Marami raw kulubot at mga ugat. Hindi raw pala kagandahan ang toes ng female personality.
“Ang tanungan ng grupo, e, ang dami-dami niyang datung, di ba, pero bakit kaya maraming kulubot ang bandang paa niya? Hindi kaya puwedeng solusyunan ng salamat po, doktor ang mga feet niya?
“At ang talagang nakawindang sa grupo, e, ang face ng girl. Sobrang banat na banat na raw ‘yun, parang wala nang part na puwedeng mahila. Sobrang dikit na kuno sa mga buto niya sa face ang balat niya.
“Hindi na siya puwedeng magkunot-noo, kasi nga, wala na siyang skin na puwedeng lumukot. Basta, naloka ang mga esekolang girls na nakita nila. Ganu’n na raw pala ang itsura ng girl sa malapitan.
“Maganda lang pala siya sa malayuan at sa mga pictures na inilalabas niya sa mga accounts niya sa social media pero kapag nakita mo na siya nang harapan, e, maloloka ka sa skin niyang super-banat na at dikit na dikit na sa mga bones niya,” mahabang kuwento ng aming source.
Naku, bawal na bawal na nagiging emosyonal pala ang female personality na ‘yun, hindi pala siya dapat nagagalit at nai-stress dahil baka mabiyak ang mga balat niya sa face.
Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, bakit palagi pa rin siyang nagpapakontrobersiyal, pakisagot n’yo nga ang tanong na ito!