PARANG bombang sumabog sa harap ng mga fans nina Maine Mendoza at Alden Richards ang pag-amin ni Arjo Atayde na “exclusively dating” na sila ng binansagang Dubsmash Queen.
Nangyari ang pag-aming ito ng aktor sa grand mediacon ng pelikulang “TOL” nitong Martes. Tulad ni Arjo ayaw na rin naming patulan ang mga bashers dahil wala namam silang mga mukha sa social media at nagtatago lang sa ibang pangalan sa social media.
Pero ang gusto lang naming ipaalam sa lahat, ni minsan ay hindi siya nanggamit para lang sumikat o makilala dahil sa loob ng walong taon sa showbiz ay sariling pagsisikap ang ginawa niya.
Hindi naman siya pumasok sa showbiz na bida at sikat agad pero mabilis na napansin ang husay niya sa pag-arte kaya nagsunud-sunod ang projects niya. Unfair ang sinasabing sumikat lang si Arjo dahil kay Maine.
Para sa kaalaman ng lahat, bago pa nagsimulang mag-date sina Arjo at Maine ay may movie offers na ang aktor at sa katunayan ay pumirma siya ng tatlong pelikula sa Viva Films, tatlong pelikula sa Regal Entertainment at may gagawin pa sa Reality Entertainment bukod sa “TOL.” Kaya kailan at saan ginamit ni Arjo si Maine?
Buti pa panoorin n’yo na lang ang “TOL” ni Arjo kung saan makakasama rin niya sina Joross Gamboa, Ketchup Eusebio at Jessy Mendiola sa Enero 30 mula sa direksyon ni Miko Livelo.