Ariel, Gelli payag makasama si Regine sa teleserye, pelikula Bandera

Ariel, Gelli payag makasama si Regine sa teleserye, pelikula

Julie Bonifacio |January 25,2019
share this

Ariel, Gelli payag makasama si Regine sa teleserye, pelikula

Julie Bonifacio January 25, 2019 - 12:05 AM

GELLI DE BELEN, ARIEL RIVERA AT REGINE VELASQUEZ

PAYAG ang mag-asawang Ariel Rivera at Gelli de Belen na makasama sa isang proyekto ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.

Mabilis na tumango si Ariel sa possibility na makatrabaho niya si Regine sa ABS-CBN since pareho naman silang Kapamilya artists ngayon.

Nauna nang nagkasama on stage sina Regine at Ariel sa concert ng ASAP sa Sydney, Australia last year.

Naging very emotional pa nga si Ariel sa tribute na ibinigay ng ASAP sa kanya doon kung saan huling naka-duet niya si Regine.

Mahigpit na niyakap sa bandang leeg ni Ariel si Regine habang umiiyak at kinakanta ang awitin niyang “Photographs.”

“Oh, yeah. We’re friends with her,” mabilis na sagot ni Ariel when asked sa presscon ng movie nila ni Gelli na “Ang Sikreto Ng Piso” directed by Perry Escaño.

Say naman ni Gelli, “Ah, kaming tatlo sa isang show? Why not? Basta ako ang kakanta. Bahala na kayong dalawa. Basta ako ang kakanta.”

Natawa na lang si Ariel sa misis niya sabay sabi na malabo nang matuloy ang proyekto if ever, “Malabo na ‘yan talaga. Siya ang kakanta,” birong sabi ni Ariel sa amin.

But seriously, wish namin na unang lumabas na magkasama sina Regine at Ariel sa madramang episode ng Maalaala Mo Kaya, di ba kapatid na Ervin? Paging Direk Ruel Bayani (Business Unit Head for drama ng ABS-CBN)!

Anyway, mahigit dalawang dekada nang maligayang nagsasama sina Ariel at Gelli. In fact, they’re one of the most enduring couples in showbiz today. Pero ‘di raw nila naiisip ang tungkol dito, “Well, hindi naman namin kasi naiisip na kami ‘yung matagal na nagsasama sa showbiz. Parang it is what it is and it’s not something na we think na parang, ‘Ang tagal na natin, wow! Naungusan na natin ‘yung iba.’ Wala naman kaming ganoon. Basta kasi nag-asawa kayo, e, dapat forver and that’s what it is supposed to be,” pahayag ni Gelli.

Esplika naman ni Ariel, “Kasi ‘yung tanong mo you make it sound like it’s a competition. It’s not a competiton, e. It’s about, ‘yung bond namin with each other it’s not ano, walang pakilam ‘yung ibang tao, e. So, sa amin lang ‘yun.”

Then, nag-follow-up question kami kung ano ang sikreto at nagtagal ang pagsasama nila.

“Basta ako, I always think, you know, there’s a saying na what have you done for me lately? That’s wrong, e, Dapat ‘yun, what have I done for you lately. Dapat ganoon ang tanong. That way if you always think about kung ano ‘yung maganda para sa asawa mo, what your wife or your husband wants, if you always thinking about what’s best for her, kung ano ‘yung gusto niya, then, I feel what you should do is reciprocate it,” seryosong sabi ni Ariel.

Ni hindi nga raw nila na-experience not even close na muntik na silang magkahiwalay at i-give-up ang marriage nila.

“Not even close. Hindi nga kami nag-aaway, e. We don’t fight kasi, e,” sambit ni Ariel.

Pinabulaanan din ni Ariel ang obserbasyon ng iba na kailangan din paminsan-minsan ang away sa relasyong mag-asawa para mas tumamis daw ang pagsasama.

“That’s not true,” sabay ngisi ni Ariel. “We have discussions but we don’t fight.”
Sabi ni Gelli, kung sino raw ‘yung tama siya ang nagbibigay para ‘di na humaba ang pagtatalo nila, “Ang nangyayari kasi kapag, when you discuss or argue about something not necessarily fight. Tapos ‘yung cool-off muna. You come to realize, ah, ito ‘yung fault ko, e. So sasabihin ko, ‘Sorry ha, eto ‘yung kasalanan.’

“Not necessarily the cause of the fight pero maybe I reacted in a certain way na I apologize for something. Kasi hindi pwedeng isa lang ‘yung nagagalit, e. There’s two sides of the coin, e,” paliwanag pa ni Ariel. Aminado si Gelli na siya ang mas impulsive kesa kay Ariel.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending