3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO ang nasugatan sa sunog na tumupok sa mga kabahayan sa Quezon City Huwebes ng umaga.

Nagsimula ang sunog sa bahay ni Reynaldo Miguel sa Zinnia st., Brgy. Roxas District, alas-12:34 ng umaga.

mNagising umano ang pamilya ni Miguel na malaki na ang apoy. Tinangka nila itong apulain pero hindi na nila nakontrol ang paglaki nito. Luma na ang bahay na gawa sa light materials.

Kumalat ang apoy sa siyam pang katabing bahay.

Walang kuryente ang bahay ay gumagamit lamang sila ng solar panel at kandila.

Umabot sa ikalawang alarma na naapula makalipas ang dalawang oras. Nahirapan ang bumbero na pumunta sa lugar dahil sa mga nakaparadang sasakyan.

Read more...