2 teleserye ni Rhian ipalalabas sa Thailand at Canada


DALAWANG teleserye ni Rhian Ramos ang ipalalabas sa ibang bansa ngayong 2019.

Sa Instagram Story ng Kapuso actres, ni-repost niya ang ilang detalye tungkol sa pagpapalabas abroad ng The Rich Man’s Daughter (2015) at Sinungaling Mong Puso (2016).

Makikita sa IG Story ni Rhian ang TV plug ng Sinungaling Mong Puso, na nakatakdang ipalabas sa Thailand sa pamamagitan ng JKN Global Media.

Kasunod nito, ni-repost din ng dalaga ang schedule ng pagpapalabas sa Canada ng kontrobersiyal na teleserye nila ni Glaiza de Castro, ang The Rich Man’s Daughter. Nagsisimula na itong ipalabas last Monday.

Read more...